PITONG wild Asian elephants, kabilang ang calves o mga batang elepante ang nasawi matapos salpukin ng high-speed train, sa North-Eastern India.
Isang batang elepante rin ang nasugatan sa insidente na nangyari sa Hojai District, sa Assam State.
ALSO READ:
11.1 billion dollars na arms package para sa Taiwan, inaprubahan ng Amerika
US President Donald Trump, pinalawak ang US Travel Ban sa 5 pang bansa
Mahigit 100 sibilyan, nasawi sa drone attacks sa Kordofan Region sa Sudan ngayong Disyembre
Naaksidenteng school bus sa Colombia, pumatay ng 17; 20 iba pa, sugatan
Ayon sa Northeast Frontier Railway, namataan ng train driver ang mga elepanteng tumatawid sa riles at ginamit ang emergency brakes subalit nabangga pa rin ang mga hayop.
Limang bagon ng tren ang nadiskaril kasunod ng salpukan, subalit wala namang nasugatang mga pasahero at staff ng Delhi-Bound Express.
