LABING-apat na indibidwal ang nasawi habang may iba pang mga nasugatan sa pagguho ng dalawang magkarugtong na gusali sa Tripoli City, sa Lebanon.
Ayon kay Civil Defence Director General Imad Kreish, mayroon ding anim katao na nailigtas at dinala sa ospital.
ALSO READ:
13 katao patay, halos 2,000 sugatan sa mga pag-atake ng Iran sa Israel
Mahigit 40, patay sa air at ground operations ng Israel sa Lebanon
Iran, ipinagpaliban ang funeral ceremony para sa nasawing supreme leader dahil sa patuloy na pambobomba sa bansa
US, magpapadala ng mga eroplano para i-evacuate ang kanilang mamamayan mula sa Middle East
Aniya, ang building ay binubuo ng dalawang bloke na ang bawat isa ay mayroong anim na apartments.
Sinabi ni Kreish na batay sa pagtaya ng mga residente, mayroong 22 katao na nasa loob ng gusali ng mangyari ang insidente.
Idineklara naman ni Mayor Abdel Hamid Karimeh na “disaster-stricken city” ang Tripoli bunsod ng unsafe buildings.
