PUMALO sa 16-month high ang Gross International Reserves (GIR) ng bansa.
Batay sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umabot 112.515 billion dollars ang GIR noong Enero na mas mataas ng 8.95% kumpara sa 103.271 billion dollars na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
ALSO READ:
Ito ang pinakamataas na GIR level simula nang maitala ang 112.707 billion dollars na nai-record noong Sept. 2024.
Mas mataas din ang dollar reserves noong nakaraang buwan ng 1.52% kumpara sa 110.833 billion dollars noong Disyembre.
Ayon sa mga analyst, ang pagtaas ng foreign reserves ay bunsod ng tumaas na dollar inflows, at valuation gains mula sa foreign investments at gold holdings ng Central Bank.




