LIBO-libong nagdadalamhati ang nagtipon-tipon sa Islamabad para sa paglilibing ng tatlumpu’t dalawa katao na nasawi sa suicide bombing sa Shi’ite Muslim Mosque.
Noong Biyernes ay isang lalaki ang walang habas na namaril sa Khadija Tul Kubra Imambargah compound, saka pinasabog ang bomba na pumatay ng tatlumpu’t dalawang inidibidwal, kabilang ito, at ikinasugat ng mahigit 170 katao.
ALSO READ:
13 katao patay, halos 2,000 sugatan sa mga pag-atake ng Iran sa Israel
Mahigit 40, patay sa air at ground operations ng Israel sa Lebanon
Iran, ipinagpaliban ang funeral ceremony para sa nasawing supreme leader dahil sa patuloy na pambobomba sa bansa
US, magpapadala ng mga eroplano para i-evacuate ang kanilang mamamayan mula sa Middle East
Inako naman ng Islamic State Group ang pag-atake, na pinakamalagim sa Islamabad sa loob ng mahigit isang dekada.
Inihayag ni Minister of Interior Moshin Naqvi na apat katao, kabilang ang umano’y mastermind, ang naaresto kasunod ng operasyon sa Peshawar at Nowshera.
