HANDA ang Royal Palace sa Britain na tumulong sa mga awtoridad kaugnay ng koneksyon ni Former Prince Andrew kay yumaong US financier and sex offender Jeffrey Epstein.
Ayon sa tagapagsalita ng Palasyo, malinaw na inihayag ni King Charles ang labis na pagkabahala sa mga alegasyon na patuloy na nagsusulputan tungkol sa ginawa ng kapatid niyang si Andrew.
ALSO READ:
13 katao patay, halos 2,000 sugatan sa mga pag-atake ng Iran sa Israel
Mahigit 40, patay sa air at ground operations ng Israel sa Lebanon
Iran, ipinagpaliban ang funeral ceremony para sa nasawing supreme leader dahil sa patuloy na pambobomba sa bansa
US, magpapadala ng mga eroplano para i-evacuate ang kanilang mamamayan mula sa Middle East
Iniimbestigahan ng Thames Valley Police Force ang paratang tungkol sa isang babae na dinala umano sa tahanan ni Andrew at mga dokumento na ibinahagi kay Epstein.
Ginamit ng kapatid ng hari ang apelyidong Mountbatten-Windsor mula nang alisan ito ng titulo bilang prinsipe noong nakaraang taon bunsod ng naunang rebelasyon tungkol sa kaugnayan nito kay Epstein.
