SINENTENSYAHAN ng hukom sa Amerika ng habang buhay na pagkabilanggo ang lalaking nagtangkang i-assassinate si US President Donald Trump, halos dalawang buwan bago ang 2024 US elections.
Ang 59-year-old na si Ryan Routh na-convict ng jury noong September ng five criminal counts, kabilang ang attempted assassination.
Royal Palace sa Britain, handang tumulong sa mga otoridad hinggil sa koneksyon ni Former Prince Andrew kay Jeffrey Epstein
14, patay sa pagguho ng gusali sa Tripoli City sa Lebanon
Libo-libong katao, nagluksa para sa mga biktima ng suicide bombings sa Islamabad
Anak ni Dating Libyan Leader Muammar Gaddafi, patay sa pamamaril
Sinabi ni US District Judge Aileen Cannon ng Fort Pierce, Florida na malinaw sa kanya na gumawa si Routh ng premeditated at calculated plot para pumatay.
Si Routh ang lalaking naispatan ng secret service agents na nagtatago sa mga halaman, ilang daang metro ang layo kung saan naglalaro ng golf ang noo’y presidential candidate sa Trump International Golf Club sa West Palm Beach Resort.
Naiwan ni Routh sa kanyang pagtakas ang isang assault-style rifle, at naaresto rin siya kinalaunan.
