UMABOT sa 237.10 billion pesos na halaga ng investment commitments ang inaprubahan ng Philippine Economic Zone (PEZA) simula Enero hanggang Disyembre ngayong taon.
As of December 12, nalagpasan na ng approved investments, ang full-year 2024 Investment Pledges na 214.18 billion pesos, na mas mataas ng 10.7%.
ALSO READ:
Balance of Payment position, naitala sa 5.66-billion dollar deficit noong 2025
Foreign Debt Service Bill, bumagsak ng halos 23% noong katapusan ng Oktubre
Bagong Batangas at Iloilo Economic Zones, inaprubahan ni Pangulong Marcos
Kita ng LRT-2 noong nakaraang taon, nabawasan dahil sa libreng sakay at mas malaking discounts
Simula Enero hanggang Disyembre, sinabi ng PEZA na 307 projects ang kanilang inaprubahan, na mas mataas ng 20.39% mula sa 266 projects noong nakaraang taon.
Inihayag ng Investment Promotion Agency na ang approvals at maaring i-convert sa 10.22 billion dollars na projected imports, na mahigit doble ng 4.69 billion dollars na naitala noong 2024.
