SINENTENSYAHAN ng Bangladesh War Crimes Court ang pinatalsik na prime minister na si Sheikh Hasina ng kamatayan.
Ito ay sa pagtatapos ng ilang buwang paglilitis, kung saan hinatulan siyang guilty bunsod ng pag-uutos ng madugong pagsawata sa pag-aaklas na pinangunahan ng mga estudyante noong nakaraang taon.
ALSO READ:
2, patay sa pag-atake ng armadong kalalakihan sa simbahan sa Nigeria; pastor at ilang deboto, dinukot!
Halos 20 patay, mahigit 60 sugatan sa panibagong pag-atake ng Russia sa Ukraine
Halos 100 Palestino, nasawi sa mga kulungan sa Israel sa loob ng 2 taon
11 patay, 12 nawawala kasunod ng landslide sa Central Java sa Indonesia
Ang naturang ruling ay itinuturing na most dramatic legal action laban sa dating Bangladeshi leader sa loob ng ilang dekada.
Nangyari rin ito ilang buwan bago ang Parliamentary Elections na inaasahang isasagawa sa Pebrero sa susunod na taon.
Si Hasina ay pinatawan ng Life Sentence sa ilalim ng mga kasong Crimes Against Humanity at Death Sentence bunsod ng pagpaslang sa mga tao nang mangyari ang pag-aaklas.
