NAGPAKAWALA ang North Korea ng hindi pa tukoy na missile mula sa kanilang East Coast, ayon sa South Korean Military.
Ang inilunsad na missile ay kasunod ng pagpapakawala ng north ng ibinibida nilang bagong intermediate-range hypersonic ballistic missile, na unang missile test ng Pyongyang simula noong Nov. 5.
Nangyari ang latest launch ilang araw bago magbalik sa White House si US President-Elect Donald Trump na nagsagawa ng unprecedented summits, kasama si North Korean Leader Kim Jong Un, sa unang termino ng kanyang panunungkulan.