PINAGMULTA ng NBA ang Minnesota Timberwolves Star na si Anthony Edwards ng 50,000 dollars bunsod ng “obscene gestures” sa isang game official.
Ito na ang ika-limang beses ngayong NBA Season na pinagmulta si Edwards, na umabot na sa 285,000 dollars.
Nangyari ang insidente sa second quarter ng 127-125 loss ng minnesota sa bumisitang Memphis Grizzlies noong Linggo (oras sa pilipinas).
Unang nagmulta si Edwards ng 35,000 dollars dahil din sa “obscene gesture” sa court noong Nobyembre at nasundan pa ito ng tatlo noong Disyembre.