13 February 2025
Calbayog City
Entertainment

Dating aktres na si Klaudia Koronel, nagligtas ng matandang pasyente mula sa wildfires sa Los Angeles

KAHIT kabilang sa mga naapektuhan ng wildfires sa Southern California, gumawa ng paraan ang dating aktres na si Kaludia Koronel para masagip ang kanyang 75-year old na pasyente na na-diagnose na may dementia.

Ibinahagi ni Klaudia na naka-base sa Eaton, Pasadena, na nasaksihan niya kung paano lamunin ng apoy ang bahay ng  kanyang pasyente, dahilan para balikan niya ito at iligtas sa kabila ng kanyang takot.

Sinabi ng dating aktres na palabas na siya papuntang trabaho nang makita niyang nasusunog ang bahay ng pasyente at napakabilis kumalat ng apoy.

Aniya, walang pagdadalawang isip na tinakbo niya ang apoy at hinila ang kanyang matandang pasyente pati na ang alaga nitong pusa, palabas ng bahay, saka isinakay sa kanyang kotse.

Idinagdag ni Klaudia na labis siyang nag-alala sa kanyang pasyente dahil mag-isa lang ito sa bahay.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).