NAKAPAGBIGAY ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Office ng food assistance sa 1,183 families sa Eastern Visayas simula noong Disyembre.
Bahagi ito ng expanded “Walang Gutom” Program, na isang hakbang upang matugunan ang insidente ng involuntary hunger at malnutrition.
2 sitio sa Leyte, napailawan na makalipas ang ilang taong kawalan ng kuryente
DTI, namahagi ng tulong pangkabuhayan sa mga lugar na dating apektado ng mga bakbakan sa Leyte
Northern Samar, nagbigay ng short-term jobs sa mahigit 200 miyembro ng vulnerable sector
DPWH, bibilisan ang pag-repair sa Maharlika Highway sa Samar
Noong nakaraang linggo ay naitala ng DSWD ang pinakamataas na bilang ng beneficiaries na nasa 985.
Sinabi ni DSWD Eastern Visayas Officer Joshua Kempis, na bawat pamilyang benepisyaryo ay tumanggap ng food packs at 3,000 pesos na food credits sa ilalim ng programa.
Sa unang dalawang linggo ng Enero, kabilang sa mga nakatanggap ng food assistance ay mula sa mga Bayan ng Lawaan, Dolores, at Maslog sa Eastern Samar; Jiabong, Sta. Margarita, at Catbalogan City sa Samar; at Palo, Abuyog, Babatngon, at Tacloban City sa Leyte.
