Pinag-iingat ng Philippine Embassy sa Japan ang mga Pinoy sa Hokkaido, Akita Prefectures at sa iba pang bahagi ng Northern Japan kasunod ng pagtaas ng insidente ng wild bear attacks.
Paalala ng embahada sa mga Pinoy, para maiwasan ang engkwentro sa wild bears, tiyaking may kasamang ibang tao kapag lalabas at huwag nang lumabas kapag madilim na.
ALSO READ:
2, patay sa pag-atake ng armadong kalalakihan sa simbahan sa Nigeria; pastor at ilang deboto, dinukot!
Halos 20 patay, mahigit 60 sugatan sa panibagong pag-atake ng Russia sa Ukraine
Halos 100 Palestino, nasawi sa mga kulungan sa Israel sa loob ng 2 taon
Pinatalsik na prime minister ng Bangladesh, sinentensyahan ng kamatayan bunsod ng pagsawata sa mga estudyante
Maging mapagmatyag din dapat sa bear footprints.
Kung malalagay na sa sitwasyon ng bear sightings o bear attacks payo ng embahada:
- maging mahinahon at manahimik lamang
- agad umalis sa lugar pero hindi dapat manakbo
- Kung walang paraan para makaalis sa lugar, magtago sa malaking bato o puno.
Paalala ng embahada sa mga Pinoy makinig at sumunod sa mga abiso ng local na otoridad.
