PATAY sa pamamaril ang anak ni Dating Libyan Leader Muammar Gaddafi na si Saif Al-Islam Gaddafi.
Ang pagpaslang sa 53-anyos na anak ng dating Libyan leader, ay kinumpirma ng pinuno ng kanyang political team.
ALSO READ:
13 katao patay, halos 2,000 sugatan sa mga pag-atake ng Iran sa Israel
Mahigit 40, patay sa air at ground operations ng Israel sa Lebanon
Iran, ipinagpaliban ang funeral ceremony para sa nasawing supreme leader dahil sa patuloy na pambobomba sa bansa
US, magpapadala ng mga eroplano para i-evacuate ang kanilang mamamayan mula sa Middle East
Ayon sa abogado ni Gaddafi, apat na armadong kalalakihan ang nagsagawa ng krimen sa bahay nito sa Zintan City, bagaman hindi pa malinaw ang motibo sa pag-atake.
Taliwas ito sa pahayag ng kapatid na babae ni Gaddafi na nasawi si Saif Al-Islam sa border ng Libya at Algeria.
Si Saif Al-Islam ay matagal nang itinuturing na most influential and feared figure sa Libya, kasunod ng kanyang ama na namuno sa bansa simula 1969 hanggang sa patalsikin at paslangin sa pag-aaklas noong 2011.
