Kinumpirma ng Archdiocese of Cebu na suicide ang dahilan ng pagkasawi ng isang pari sa Cebu matapos makaranas ng mental health condition.
Sa pahayag na ay titulong “Hope Against Hope: A Death Announced,” sinabi ni Archbishop Alberto “Abet” Uy na matapos ang in-depth investigation sa pagkamatay ni Rev. Fr. Decoroso “Cocoi” Olmilla natuklasang nakaranas ang pari ng severe mental health.
ALSO READ:
Lalaki, patay matapos atakihin ng buwaya sa Palawan
Mahigit 1.8 million pesos na halaga ng iligal na mantika, nakumpiska sa Oriental Mindoro
5 pulis na sangkot sa pagnanakaw ng 14 million pesos na cash sa Porac, Pampanga, sinibak sa pwesto
PNP chief, ipinag-utos ang imbestigasyon sa pagpaslang sa broadcaster-councilor sa Surigao Del Sur
Ang sisenta’y otso anyos na pari ay resident priest ng St. Therese of the Child Jesus Parish sa Lahug, Cebu City.
Nakita itong walang buhay sa loob ng condominium unit sa Brgy. Mabolo umaga ng November 12 at nakitaan ng sugat sa leeg.
Humiling naman si Uy ng panalangin para kay Olmilla at umapela din ng respeto sa privacy ng pamilya ng pari.
