TATLUMPU’T apat ang nasawi habang may ilan pang mga nasugatan, kasunod ng pagtama ng air strikes na pinakawalan ng Myanmar military sa isang ospital.
Matatagpuan ang ospital sa bayan ng MRAUK-U sa Rakhine State, na kontrolado ng Arakan army at isa sa pinakamalakas na ethnic armies na lumalaban sa military regime.
ALSO READ:
11.1 billion dollars na arms package para sa Taiwan, inaprubahan ng Amerika
US President Donald Trump, pinalawak ang US Travel Ban sa 5 pang bansa
Mahigit 100 sibilyan, nasawi sa drone attacks sa Kordofan Region sa Sudan ngayong Disyembre
Naaksidenteng school bus sa Colombia, pumatay ng 17; 20 iba pa, sugatan
Libo-libo na ang namatay at milyon-milyon na ang nawalan ng tirahan mula nang mapasakamay ng militar ang kapangyarihan sa pamamagitan ng coup noong 2021 at naging mitsa ng civil war.
Sa mga nakalipas na buwan ay pinaigting ng militar ang kanilang air strikes upang mabawi ang teritoryo mula sa ethnic armies.
Nag deploy din ito ng paragliders para magbagsak ng mga bomba sa kanilang mga kalaban.
