ISANG lalaki ang nasawi matapos atakihin ng buwaya sa Balabac, Palawan.
Nangyari ang insidente habang nangunguha ang biktima ng sea cucumbers o trepang sa Barangay Agutayan.
ALSO READ:
4 katao, patay sa salpukan ng jeepney at dump truck sa Luna, Isabela
Seguridad para sa Panagbenga Festival, ikinakasa na
3rd-Party Assessment sa Aganan Flyover sa Iloilo, ipinag-utos ng DPWH Chief
8.4 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga biktima ng pag-aalboroto ng Mayon Volcano
Sa statement, nagpaabot ang Palawan Council for Sustainable Development ng pakikiramay sa pamilya ng biktima.
Tiniyak din ng konseho sa publiko na magsasagawa ng comprehensive population study sa Indo-Pacific Crocodiles sa Palawan.
Ang Southern Palawan ay kilalang tahanan ng mga buwaya, lalo na sa mga bayan ng Rizal, Bataraza, at Balabac.
