HINDI bababa sa dalawampu’t dalawa ang patay habang labing anim na iba pa ang nasugatan sa pagbagsak ng dalawang gusali sa Fez City sa Morocco.
Gumuho ang dalawang four-storey buildings na may nakatirang walong pamilya.
Ayon sa ilang Moroccan News Outlets, nakitaan ang bumagsak na buildings sa Al Massira ng mga senyales ng deterioration sa mga nakalipas na taon.
Pinalikas naman ang mga residente sa mga kalapit na gusali bilang preventive measure.




