BUMABA ang Net Inflows ng Foreign Direct Investments (FDI) sa Pilipinas sa pinakamababang lebel sa nakalipas na mahigit limang taon noong Setyembre.
Batay sa preliminary data ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), bumagsak ang FDI Net Inflows ng 25.93% o sa 320 million dollars noong Setyembre, mula sa 432 million dollars na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
ALSO READ:
Balance of Payment position, naitala sa 5.66-billion dollar deficit noong 2025
Foreign Debt Service Bill, bumagsak ng halos 23% noong katapusan ng Oktubre
Bagong Batangas at Iloilo Economic Zones, inaprubahan ni Pangulong Marcos
Kita ng LRT-2 noong nakaraang taon, nabawasan dahil sa libreng sakay at mas malaking discounts
Ito na ang pinakamababang Monthly FDI Inflows sa loob ng animnapu’t limang buwan o simula nang maitala ang 314 million dollars noong April 2020.
Mas mababa rin ito ng 37.7% kumpara sa 514 million dollars noong Agosto.
