INANUNSYO ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na naka-kolekta ito ng 1.111 trillion pesos na Net of Tax Refund, as of April 2025, lagpas sa target na 7.045 billion pesos para sa naturang panahon.
Ayon sa BIR, ang koleksyon ay mas mataas ng 14.5% o 140.695 billion pesos kumpara sa nakolekta noong nakaraang taon.
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Kumakatawan ito sa mahigit 35% ng 3.232-Trillion Peso Tax Collection Target para sa taong 2025, na mas mataas ng 13.36% o 380.871 billion pesos kumpara sa Calendar Year 2024 Actual Collection.
Iniugnay ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang tumaas na koleksyon sa pinaigting na kampanya ng kawanihan laban sa pekeng resibo at digitalization ng kanilang serbisyo.