21 June 2025
Calbayog City
Overseas

7 katao, nasawi sa bumagsak na tulay sa riles ng tren sa Russia

HINDI bababa sa pito ang nasawi habang animnapu’t siyam ang nasugatan nang bumagsak ang highway bridge sa riles ng tren, dahilan para madiskaril ang paparating na tren, sa Bryansk Region sa Russia.

Ayon sa governor ng Bryansk Region, apatnapu’t apat ang na-ospital, kabilang ang tatlong bata, kung saan isa ang nasa malubhang kalagayan.

Sa ulat ng State News Agencies sa Russia, kabilang sa mga nasawi ang locomotive driver.

Iniulat naman ng Baza Telegram Channel ng Russia, na kadalasang naglalathala ng mga impormasyon mula sa sources sa Security Services and Law Enforcement, na pinasabog umano ang tulay.

Wala pang komento ang Ukraine sa naturang insidente.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).