7 January 2026
Calbayog City
Local

Kaso ng dengue sa bansa tumaas

NAKAPAGTALA na ang Department of Health (DOH) ng bahagyang pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa kasunod ng pagsisimula ng panahon ng tag-ulan.

Ayon sa datos ng DOH, nakapagtala ng 10%, na pagtaas sa kaso ng dengue.

Mula sa 5,547 na kaso noong May 5 to 18, 2024 ay tumaas ito sa 6,082 cases noong May 19 to June 1.

Simula June 2 hanggang June 15, nakapagtala na ang DOH ng 4,689 dengue cases at inaasahang tataas pa ito habang hinihintay ang pagpasok ng report mula sa ibat-ibang rehiyon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).