PINABULAANAN ni Rica Peralejo ang bintang na pinakialaman niya ang tithes o ikapu ng simbahan.
Sa pamamagitan ng social media, nilinaw ng aktres kung saan nag-ugat ang isyu at nagpaliwanag kung paano nag-umpisa ang kontrobersiya.
ALSO READ:
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Dennis Trillo, ipinagtanggol ang misis na si Jennylyn Mercado sa gitna ng umano’y hindi pagkakasundo sa mga biyenan
Aniya, nagsimula ang isyu sa comment ng isang Agathon Topacio sa Tiktok na nagsabing ginamit niya ang pera ng simbahan, na kanyang pinatulan, dahil nakakatawa ang akusasyon sa kanya.
Ipinaliwanag ni Rica ang actual setup nila ng kanyang mister na si Pastor Joseph Bonifacio, at ibinahagi ang detalye ng kanilang humble beginnings bilang mag-asawa.
Inamin din ng aktres na mas marami siyang assets kumpara sa kanyang mister dahil 12 years pa lang ay nagta-trabaho na siya.
