TUKOY na ng Camarines Norte Police ang pagkakakilanlan ng babaeng natagpuang patay sa loob ng isang storage box, sa ilalim ng Pinagwarasan Bridge sa bayan ng Basud.
Kinilala ang biktima na si Anelis Agocoy, tatlumpu’t walong taong gulang, residente ng Barangay Bura sa Catarman, Camiguin.
ALSO READ:
4 katao, patay sa salpukan ng jeepney at dump truck sa Luna, Isabela
Seguridad para sa Panagbenga Festival, ikinakasa na
3rd-Party Assessment sa Aganan Flyover sa Iloilo, ipinag-utos ng DPWH Chief
8.4 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga biktima ng pag-aalboroto ng Mayon Volcano
Ayon sa Camarines Norte Police, tumawag kay Basud Municipal Police Chief Station Acting Chief Capt. Mark Armea, ang kaibigan ni Agocoy na positibong kumilala sa biktima.
Nakikipag-ugnayan na ang Basud Municipal Police Station sa Catarman Municipal Police Station para ipabatid sa pamilya ng biktima ang malagim nitong sinapit.
