NANAWAGAN si South Korean President Lee Jae Myung para sa “new phase” ng ugnayan sa China, habang nakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping sa Beijing.
Kabilang sa mga agenda ni Lee sa kanyang four-day visit sa China ang regional security at pagbawi ng Beijing sa unofficial ban sa Korean pop culture.
ALSO READ:
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Iran, nagbantang gaganti kapag umatake ang US sa gitna ng ginagawang pagkontrol sa mga nagpo-protesta
Nakipag-selfie rin si Lee, kasama si Xi, gamit ang Chinese brand na cellphone na niregalo nito sa kanya noong nakaraang taon.
Ito ang unang beses na bumisita ang isang South Korean leader sa Beijing simula noong 2019.
Nanlamig ang ugnayan ng dalawang bansa sa ilalim ng predecessor ni Lee na si Impeached Ex-President Yoon Suk Yeol, na masyadong kritikal sa China.
