NAGPOSITIBO sa red tide toxins ang shellfish meat na nakolekta sa coastal waters ng bayan ng Leyte, sa lalawigan ng Leyte, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Regional Office sa Tacloban City.
Sa advisory, sinabi ng BFAR na na-detect ang paralytic shellfish toxin sa laboratory examination sa BFAR-Regional Fisheries Laboratory sa naturang lungsod.
ALSO READ:
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Pagpapatibay sa Waste Management System, binigyang diin sa dayalogo sa Calbayog City
Northern Samar, pinag-aaralan ang mas matatag na kolaborasyon sa MMDA para sa disaster preparedness
Dahil dito, pinayuhan ang publiko na iwasan ang paghano, pagbebenta, at pagkain ng lahat ng uri ng shellfish, gaya ng talaba at tahong, pati na alamang o hipon mula sa naturang katubigan.
Ipinadala na ang meat samples na nakuha sa coastal waters ng Leyte sa BFAR National Fisheries Laboratory para sa confirmatory tests at inclusion sa Nationwide Shellfish Bulletin.
