HINDI bababa sa sampung lugar sa Eastern Visayas ang direktang naapektuhan ng pagbaha mula sa malalakas na pag-ulan na iniuugnay sa Shearline.
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Eastern Visayas Regional Director Rey Gozon, nakalap ang datos mula sa Disaster Risk Reduction and Management Offices ng mga apektadong bayan at lungsod.
Northern Samar at DOE, pinagtibay ang ugnayan para sa sustainable energy
Calbayog City Mayor Monmon Uy, bumisita sa Marikina City para sa benchmarking activity
2 sitio sa Leyte, napailawan na makalipas ang ilang taong kawalan ng kuryente
DTI, namahagi ng tulong pangkabuhayan sa mga lugar na dating apektado ng mga bakbakan sa Leyte
Kinabibilangan ito ng mga lungsod ng Tacloban, Calbayog sa Samar, at Borongan sa Eastern Samar; at mga bayan ng Mayorga sa Leyte; Culaba at Maripipi sa Biliran; at Can-Avid, Dolored, Jipapad, at Maslog sa Eastern Samar.
Kabuuang 1,564 families o 5,798 individuals ang lumikas dahil sa pagbaha.
Nakatanggap din ang OCD ng reports ng landslide sa bayan ng Babatngon sa Leyte, bagaman nananatiling nadadaanan ang kalsada at hindi ito nagdulot ng malaking perwisyo sa trapiko.
