AABOT sa 113.9 million pesos ang halaga ng mga iligal na droga na nakumpiska ng mga pulis sa Eastern Visayas noong 2025.
Ayon sa Police Regional Office 8 (PRO-8), nagsagawa sila ng 1,085 Anti-Illegal Drug Operations noong nakaraang taon, na nagresulta sa pagkakasamsam ng 23.19 kilos ng illegal drugs.
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Pagpapatibay sa Waste Management System, binigyang diin sa dayalogo sa Calbayog City
Northern Samar, pinag-aaralan ang mas matatag na kolaborasyon sa MMDA para sa disaster preparedness
Kinabibilangan ito ng 15.75 kilos ng shabu, 773.76 grams ng marijuana, at 6.65 kilos ng cocaine.
Sa press statement, pinapurihan ni PRO-8 Regional Director Brig. Gen. Jason Capoy ang operating units, sa kanilang propesyonalismo at dedikasyon.
Ang biggest anti-drug breakthrough ng rehiyon noong 2025 ay ang narekober na dalawampung bricks ng cocaine na nagkakahalaga ng 111.8 million pesos, at natagpuang palutang-lutang sa dagat sa Arteche, Eastern Samar noong March 8.
