PINARANGALAN ng Philippine Coast Guard (PCG), ang mahigit 60 tauhan nito na nagligtas sa mga mangingisdang pinoy na nasugatan matapos sumabog ang kanilang bangka sa bahagi ng Bajo De Masinloc.
Binigyan ng bronze cross ang 62 PCG personnel, dahil sa kanilang pagresponde sa insidente kahit nakaranas sila ng shadowing at blocking mula sa barko ng China Coast Guard (CCG) At People Liberation Army (PLA) navy.
VP Sara Duterte, no comment sa impeachment complaint vs PBBM
Kontra salaysay ni Sen. Villanueva sa reklamong malversation hindi pa naisusumite sa DOJ
Dating Sen. Bong Revilla, hindi bibigyan ng special treatment sa selda
Bilang ng pamilyang Pinoy na nagsabing sila ay mahirap, bumaba noong 4th quarter ng 2025, ayon sa survey
Ayon mismo sa mga nailigtas na mangingisdang pinoy, gamit ang radio ay humingi sila ng saklolo.
May dumating na bangka na lulan din ang ilang mangingisdang pinoy at iyon ang nagdala sa kanila patungo sa paparating na barko ng Coast guard na BRP Sindangan.
Nangyari ang pagsabog ng fishing boat akio noong June 29 at nasugatan ang 2 sa 8 mangingisdang sakay nito.
Matapos maisakay sa BRP sindangan ang dalawang sugatan agad silang nabigyan ng paunang lunas sa tinamong second degree burns. (DDC)
