19 December 2025
Calbayog City
Overseas

Mahigit 30 katao, nasawi matapos tamaan ng military air strike ang 1 ospital sa Myanmar

TATLUMPU’T apat ang nasawi habang may ilan pang mga nasugatan, kasunod ng pagtama ng air strikes na pinakawalan ng Myanmar military sa isang ospital.

Matatagpuan ang ospital sa bayan ng MRAUK-U sa Rakhine State, na kontrolado ng Arakan army at isa sa pinakamalakas na ethnic armies na lumalaban sa military regime.

Libo-libo na ang namatay at milyon-milyon na ang nawalan ng tirahan mula nang mapasakamay ng militar ang kapangyarihan sa pamamagitan ng coup noong 2021 at naging mitsa ng civil war.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).