NAKIPAGPULONG si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy kay Terence Jude Rebarter, 7/11 Store Development Specialist, upang pag-usapan ang expansion ng convenience store chain sa lungsod.
Inanunsyo ni Rebarter ang plano ng 7/11 na magdagdag ng bagong branch sa Oquendo Poblacion dahilan para umakyat na sa sampu ang kabuuang bilang ng planned stores, kabilang ang walo sa city proper at isa sa Tinambacan Poblacion.
ALSO READ:
Coastal waters sa Leyte, positibo sa red tide
10 lugar sa Eastern Visayas, apektado ng Shearline
113.9 million pesos na halaga ng iligal na droga, nakumpiska ng PNP sa Eastern Visayas noong 2025
DSWD, inihahanda na ang 142 million pesos na halaga ng tulong sa mga apektado ng Shear Line sa Eastern Visayas
Welcome kay Mayor Mon ang expansion, dahil sa positibong epekto nito sa ekonomiya ng Calbayog City at sa maibibigay na kaginhawaan sa mga residente.
Binigyang-diin din ng alkalde sa pulong ang commitment ng lungsod sa pagsuporta sa mga negosyo at investments.
