NASA animnaraan pang public schools ang hindi pa rin nakapagbubukas ng klase bunsod ng epekto ng bagyong Carina at habagat, ayon kay Education Secretary Sonny Angara.
Sinabi ng kalihim na karamihan sa mga naturang paaralan o nasa tatlundaan limampu’t anim ay mula sa Central Luzon, habang isandaan pitumpu’t isa sa Metro Manila, walumpu’t anim sa Ilocos Region at animnapu sa CALABARZON.
ALSO READ:
VP Sara Duterte, no comment sa impeachment complaint vs PBBM
Kontra salaysay ni Sen. Villanueva sa reklamong malversation hindi pa naisusumite sa DOJ
Dating Sen. Bong Revilla, hindi bibigyan ng special treatment sa selda
Bilang ng pamilyang Pinoy na nagsabing sila ay mahirap, bumaba noong 4th quarter ng 2025, ayon sa survey
Sa pagtaya ni Angara, 99 percent na ng mga eskwelahan sa buong bansa ang nakapagbukas na ng klase.
Inihayag ng Department of Education na mahigit 47,000 public schools ang dapat nagbukas noong Lunes, July 29, subalit dahil sa epekto ng bagyong Carina at pinaigting na habagat ay nasira ang ibang paaralan habang ang iba ay ginamit bilang evacuation centers.
