13 February 2025
Calbayog City
National

Oil Spill sa Bataan, hindi kasinlawak ng nangyari sa Mindoro, ayon sa BFAR

HINDI kasinlawak ng nangyaring pagtagas ng langis sa Oriental Mindoro noong nakaraang taon ang oil spill mula lumubog na Motor Tanker sa Limay, Bataan noong nakaraang linggo.

Pahayag ito ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Spokesperson Nazario Briguera, batay sa isinagawang ground assessment at evaluation.

Ang mapaminsalang oil spill mula sa MT Princess Empress na lumubog sa Oriental Mindoro noong nakaraang taon ay nagresulta ng 41.2 billion pesos na halaga ng danyos sa ecosystem at sa coastal communities.

Una nang inihayag ng Philippine Coast Guard na kontrolado na ang oil spill mula sa MT Terra Nova matapos maselyuhan ang tumatagas na mga barbula ng tanker.

Lulan ng motor tanker ang 1.4 million liters ng industrial oil nang lumubog ito sa Limay noong Huwebes dahil sa masamang panahon.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.