DALAWAMPU ang kumpirmadong patay sa sunog na sumiklab sa pitong palapag na gusali sa Jakarta na kabisera ng Indonesia.
Ayon sa hepe ng Central Jakarta Police, nagsimula ang sunog sa unang palapag hanggang sa kumalat ito sa upper floors.
Ilan sa mga empleyado ay kumakain ng tanghalian sa building nang mangyari ang trahedya, kahapon, habang ang iba naman ay lumabas ng opisina.
Ang natupok na gusali ay nagsisilbing tanggapan ng Terra Drone Indonesia, na nag-su-supply ng drones para sa Aerial Survey Activities, na ang mga kliyente ay nasa mining hanggang agriculture sectors.




