Magbibigay ng tulong ang Israel National Insurance Institute sa mga nasaktan sa sagupaan ng Israel at Iran.
Sa abiso ng Philippine Embassy sa Israel, kabilang sa makaatanggap ng kompensasyon ang mga nasaktan sa kaguluhan na nagsimula noong June 13, 2025.
May mga kailangan lamang kumpletuthing requirements kasama na ang medical records na isasailalim sa review ng Ministry of Defense.
Sinabi din ng embahada na maaaring ipa-reimburse ang mga ginastos sa pagpapagamot sa ospital ng mga nasugatan sa kaguluhan.