Nagpahayag ng pagkabahala ang Malacañang Press Corps (MPC) sa hiling ng Presidential Communications Office (PCO) na ipatanggal sa Malacañang beat ang reporter ng Net 25 na si Eden Santos
Sa pahayag ng MPC, kung nilabag nga ni Santos ang protocol nang lapitan nito i Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang coverage ay hindi naman na sakop ng otorisasyon ng PCO ang hilinging alisin ang reporter sa Palasyo.
ALSO READ:
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Ayon sa MPC, kinikilala ng grupo ang pangangailangan na palaging tiyak ang kaligtasan ng pangulo, gayunman, hindi rin naman dapat humantong sa puntong masasakripisyo na ang kalayaan ng mga mamamahayag na maglahad balita.
Umaasa ang MPC na mareresolba ang usapin habang balanseng natitiyak ng kaligtasan ng pangulo at press freedom.
