KUMITA ang Maharlika Investment Corp. (MIC) ng Net Income na 2.68 billion pesos sa unang taon ng operasyon nito noong 2024.
Sa Statement, inihayag ng Sovereign Wealth Fund ng bansa na nakalikha ito ng 2.77 billion pesos na Revenues noong nakaraang taon habang ang Expenses ay umabot lamang sa 93 million pesos.
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Sa report ng MIC, naitala ang Total Assets sa 127.2 billion pesos habang 668 million pesos ang Liabilities, para sa matatag na Equity Base na 126.6 billion pesos.
Inanunsyo rin ni MIC President and CEO Rafael Consing Jr. na pumasok ang Wealth Fund sa isang Landmark Partnership kasama ang ACWA Power – isang Global Energy Developer na Partly Owned ng Wealth Fund ng Saudi Arabia, para ma-explore ang Renewable Energy Ventures sa Pilipinas.