TUMAAS ang tsansa ng Chery Tiggo na makapasok sa Final Berth ng 2025 PVL Invitational Conference matapos payukuin ang Zus Coffee.
Na-sweep ng Crossovers ang Zus sa score na 25-17, 25-17, 25-23, sa Preliminary Match sa PhilSports Arena sa Pasig City.
ALSO READ:
Alex Eala, maglalaro sa Philippine Women’s Open
Office of the President, magbibigay ng karagdagang cash incentives sa SEA Games medalists
Lebron James, inisnab bilang NBA All-Star starter sa unang pagkakataon simula noong 2004
BIGO si si Filipina Tennis Sensation Alex Eala sa kanyang debut sa Main Draw ng Australian Open sa Melbourne Park.
Dahil sa magandang performance ng Chery Tiggo, pormal na na-eliminate ang Creamline, Zus Coffee, at Cignal mula sa Title COntention sa Preseason Contest.
Tanging KOBE Shinwa University ang nananatiling lumalaban, at umaasang magsisilbing Spoiler sa On Tour Final Rematch sa pagitan ng Chery Tiggo at PLDT.
Ang huling assignment ng Crossovers sa Preliminaries ay ang Kobe Shinwa na itinakda sa Biyernes, habang makakaharap ng Zus Coffee ang PLDT, bukas.
