NAGPATUPAD ang Department of Agriculture (DA) ng Temporary Ban sa importasyon ng mga buhay na baboy, pati na pork meat, pig skin, at iba pang related products mula sa Taiwan bunsod ng African Swine Fever (ASF) Outbreak.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., saklaw ng Immediate Moratorium ang mga buhay na baboy at lahat ng pork-derived commodities, kabilang ang semen na ginagamit sa artificial insemination.
Sinabi ni Tiu Laurel na effective immediately ang kautusan at mananatili hanggang sa pormal itong bawiin.
Ipinaliwanag ng kalihim na kailangang doblehin ang pag-iingat upang maiwasan ang pagkalat ng ASF infections, para ma-protektahan ang mga trabaho at investments sa swine industry at matiyak ang food security at kalusugan ng consumers.




