TUMANGGI ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na mag-komento hinggil sa ulat na lumabas na ang arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Gayunman, sinabi ni CIDG Director, Major Gen. Roberto Morico II, na sakaling mayroong order mula sa korte, kanino man ito nakapangalan, ay kanilang ipatutupad.
Kumalat ang balita tungkol sa umano’y warrant of arrest mula sa ICC laban kay Dela Rosa na dating PNP chief, bunsod ng naging papel nito sa madugong war on drugs ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Una nang isiniwalat ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na nakatanggap siya ng “unofficial copy” ng arrest warrant ng ICC laban sa senador, bagaman hindi pa ito kinukumpirma ng ibang mga ahensya ng pamahalaan.




