NAHAHARAP si Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga sa panibagong reklamo kaugnay ng Anti-Administration Rally sa Forbes Park Village sa Makati City.
Bukod pa ito sa criminal complaints na Inciting to Sedition at Inciting to Rebellion na isinampa ng pulisya na may kinalaman sa marahas na kilos protesta sa Maynila noong Sept. 21.
PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta
Sen. Bato Dela Rosa, naispatan sa 6 na magkakaibang lokasyon sa nakalipas na 3 Linggo
Sandiganbayan, ibinasura ang hirit na i-consolidate ang flood control cases laban kay Zaldy Co at sa 16 na iba pa
Bicam para sa 2026 National budget, iniurong sa bukas
Gayunman, hindi nagbigay si Police Major Gen. Roberto Morivo II, director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ng iba pang detalye tungkol sa reklamo, sa pagsasabing ayaw niyang mapangunahan ang preliminary investigation na isinasagawa ng prosekusyon. Magugunitang pinangunahan ng bente syete anyos na kongresista ang demonstrasyon noong Oct. 12 ng gabi sa Forbes Park, na inilarawan nito bilang tahanan ng mga korap na opisyal, upang ipanawagan ang pagbibitiw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa gitna ng flood control scandal.
