NILAGDAAN na ng US ang deal kasama ang Ukraine para sa Joint Exploitation ng kanilang energy and mineral resources, ilang buwan matapos ang mainit na negosasyon.
Nagkasundo ang dalawang bansa na magtatag ng Reconstruction Investment Fund upang mapabilis ang economic recovery ng Ukraine mula sa pakikidigma nito sa Russia.
Sinabi ni US Treasury Secretary Scott Bessent, na patunay ito ng commitment ng dalawang bansa, para sa pang-matagalang kapayapaan at kaunlaran sa Ukraine.
Para naman sa Kyiv, ang naturang kasunduan ay mahalaga para magkaroon ng access sa US military aid.