18 May 2025
Calbayog City
Business

Kinita ng PAGCOR, tumaas ng mahigit 11% sa unang quarter ng 2025

LUMAGO ang kinita ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) sa unang quarter ng taon.

Ayon sa PAGCOR, umabot sa 28.07 billion pesos ang kanilang revenues noong Enero hanggang Marso.

Mas mataas ito ng 11.2% kumpara sa 25.24 billion pesos na kinita ng state gaming firm at regulator na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sinabi ng PAGCOR na malaking bahagi ng kanilang kinita ay mula sa kanilang gaming operations, na nag-ambag ng 25.52 billion pesos.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).