LABINDALAWANG indibidwal ang patay habang mahigit dalawampung iba pa ang nasugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Tarlac City Toll Plaza Exit ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX).
Ayon kay Marvin Guiang, head ng Tarlac Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, apat na sasakyan ang sangkot sa karambola na kinabibilangan ng bus, 18-wheeler truck, van, at crossover SUV.
Sinabi ng PDRRMO official na mula sa labindalawang nasawi, anim ang menor de edad.
Kabilang din sa mga namatay ang isang mag-asawa subalit nakaligtas ang sanggol nilang anak.
Idinagdag ni Guiang na masyadong malakas ang impact ng pagkakabangga, dahil napitpit ang mga biktima sa dalawang sasakyan na na-sandwich sa pagitan ng bus at truck.