PINALAWIG ng Thai Court ng hanggang 50 years ang prison sentence ng isang lalaking convicted dahil sa pang-iinsulto sa hari ng bansa.
Ayon sa isang legal rights group, isa ito sa pinakamahabang parusang pagkabilanggo na ipinatupad sa ilalim ng mahigpit na royal insult law ng kingdom.
ALSO READ:
13 katao patay, halos 2,000 sugatan sa mga pag-atake ng Iran sa Israel
Mahigit 40, patay sa air at ground operations ng Israel sa Lebanon
Iran, ipinagpaliban ang funeral ceremony para sa nasawing supreme leader dahil sa patuloy na pambobomba sa bansa
US, magpapadala ng mga eroplano para i-evacuate ang kanilang mamamayan mula sa Middle East
Sa ilalim ng naturang batas, pino-protektahan ang hari at kanyang pamilya mula sa mga batikos at mayroon itong maximum sentence na 15 years per offense.
Sinentensyahan ng Criminal Court ang lalaki ng 30 years na pagkabilanggo dahil sa mga post nito sa kanyang social media account sa pagitan ng 2021 at 2022.
Noong Disyembre ay pinatawan itong muli na makulong ng 20 years bunsod ng kaparehong offense sa hiwalay na internet posts.
