16 June 2025
Calbayog City
Overseas

Travel Ban sa 36 pang mga bansa, pinag-aaralan ng Trump Administration

IKINU-konsidera ng administrasyon ni US President Donald Trump na palawakin pa ang Travel Restrictions sa pamamagitan ng posibleng pagbabawal sa citizens ng tatlumpu’t anim pang bansa, na pumasok sa Amerika.

Kamakailan ay nilagdaan ng Republican President ang proklamasyon na nagbabawal. Sa pagpasok ng citizens mula sa labindalawang bansa, sa pagsasabing ang hakbang ay para protektahan ang US laban sa “foreign terrorists” at iba pang National Security Threats.

air asia

Ang direktiba ay bahagi ng Immigration Crackdown na inilunsad ni Trump ngayong taon, sa pagsisimula ng kanyang ikalawang termino.

Kabilang na rito ang Deportation sa El Salvador ng daan-daang Venezuelans na pinaghihinalaang gang members.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).