NAGLUNSAD ang Thailand ng air strikes sa pinag-aagawang border sa Cambodia.
Ito’y matapos akusahan ng magkabilang panig ang isa’t isa na lumabag sa Ceasefire Agreement na inareglo ni US President Donald Trump.
Isang sundalong Thai ang nasawi habang apat na iba pa ang nasugatan sa panibagong bakbakan na sumiklab sa dalawang lugar sa Easternmost Province ng Ubon Ratchathani.
Unang sumiklab ang border dispute na nagresulta sa limang araw na digmaan noong Hulyo, bago nagkaroon ng Ceasefire Deal na inayos nina Trump at Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim.




