DADALO ang mga lider ng Thailand at Cambodia sa Mediation Talks kaugnay ng kanilang madugong sagupaan sa kanilang Border.
Ayon sa Thai Government, gaganapin ang pag-uusap sa Malaysia ngayong Lunes, sa kabila ng palitan ng akusasyon ng magkabilang panig kung sino ang naglunsad ng panibagong Artillery Strikes sa pinag-aagawang teritoryo.
Pangungunahan ni Acting Prime Minister Phumtham Wechayachai ang Thai Negotiating Team.
Ipinaalam naman ng Malaysia na siyang pinuno ng ASEAN Regional Cooperation Forum, sa Thai Government na dadalo rin si Cambodian Prime Minister Hun Manet sa pulong.
Umigting ang kaguluhan noong Huwebes, at batay sa pinakahuling tala ay umabot na ang Death Toll sa mahigit tatlumpu, kabilang ang labintatlong sibilyan sa Thailand at walo sa Cambodia.