DALAWANG construction workers ang nasawi habang apat na iba pa ang nasugatan matapos makuryente sa Barangay Dapdap, sa bayan ng Uson, sa Masbate.
Batay sa police report, lulan ng boom truck ang mga biktima na nagta-trabaho sa isang road construction project nang sumalpok ang kanilang sinasakyan sa poste ng kuryente.
ALSO READ:
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Dahil dito, nagkaroon ng contact ang truck sa live wire na pag-aari ng Masbate Electric Cooperative (MASELCO), na nagresulta sa pagkaka-kuryente ng mga trabahador.
Dead on the spot ang dalawa habang mabilis na naisugod sa ospital ang apat na iba pa upang malapatan ng lunas.
Inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang may pananagutan sa naturang insidente.
