NAIS ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na pagpaliwanagin ang COMELEC kung bakit magbabayad ito ng bilyun-bilyong piso renta para sa mga automated counting machines na gagamitin sa 2025 Midterm Elections.
Ito ay sa kabila ng availability pa ng mga counting machines ng Smartmatic.
VP Sara Duterte, no comment sa impeachment complaint vs PBBM
Kontra salaysay ni Sen. Villanueva sa reklamong malversation hindi pa naisusumite sa DOJ
Dating Sen. Bong Revilla, hindi bibigyan ng special treatment sa selda
Bilang ng pamilyang Pinoy na nagsabing sila ay mahirap, bumaba noong 4th quarter ng 2025, ayon sa survey
Kasunod ito ng pahayag ng Smartmatic na mayroon pa silang warranty sa VCMs na binili ng COMELEC.
Sa pahayag ng Smartmatic, hanggang sa susunod na taon ang kanilang warranty sa mahigit 93,000 na VCMS na binili sa kanila ng COMELEC.
Iginiit ni Pimentel na kung hindi gagamitin ang mga VCM ng Smartmatic, sasayangin lang ng Poll Body ang warranty samantalang gagastos ito ng P18 billion sa one-time na pagrenta ng mga makina ng kumpanyang Miru Systems.
Matatandaang dinisqualify ng COMELEC ang Smartmatic para sa bidding sa halalan sa 2025 dahil sa iba’t ibang kontrobersiya.
